top of page

Multo Entry

  • Writer: Jah Garcia
    Jah Garcia
  • Apr 14
  • 1 min read

Kakampi ba talaga ang mga alaala,

O isang multo lang na ginugulo ka?

Masaya nga ba itong balik-balikan,

O pawang paalala lang ng kung anong kulang?


Pinapaalala ang tamis ng kahapon,

Pero hindi ang dahilan kung bakit natapos.

May nadadalang saya, kaso mayroon ding kirot.

Dahil kahit anong gawin, di matabunan ang lungkot.


Kaya naman gusto mo nang makalimot…


Pero gusto mo nga ba talaga—

Kung tanging mga alaala nalang ang mayroon ka?

Copyright © 2024 Jah no jinsei - All Rights Reserved.

bottom of page